Kaligtasan ng Likod: Mga Pangunahing Kaalaman sa Maayos na Tindig
Tumutulong ang maayos na tindig o postura na protektahan ka sa pinsala. Dinaragdagan din nito ang iyong kaginhawahan. Sikaping magkaroon ng maayos na tindig sa buong araw.
Tingnan ang iyong tindig
Pinakamaayos na gumagana ang katawan ng tao kapag nakahanay ito nang tama tuwid ang katawan. Upang mapabuti ang iyong tindig nang nakatayo, sundin ang mga hakbang na ito:
-
Maglaan ng ilang sandali upang isara ang iyong mga mata at damhin ang iyong katawan. Pagkatapos, huminga nang malalim at irelaks ang iyong mga balikat, balakang, at tuhod.
-
Umangat lamang nang kaunti mula sa pinakatuktok ng iyong ulo. Umisip ng isang linyang nag-uugnay sa iyong mga tainga, balikat, balakang, at bukong-bukong. I-adjust ang iyong katawan upang sundan ang linya. Maaaring kailangan mong irelaks ang iyong mga balakang at itago nang kaunti ang iyong puwit pailalim.
-
Susunod, tingnan ang iyong sarili sa isang salamin. Mas mataas ba sa kabila ang isang tainga, balikat, o balakang? Dapat magkakapantay ang mga ito.

Tingnan kung paano ka umupo
Kapag tama ang iyong pag-upo, nababawasan ang diin sa iyong likod. Subukan ang mga hakbang na ito:
-
Umupo upang madaling magkasya ang kurba ng ibabang bahagi ng iyong likod sa upuan. Panatilihing nakapantay ang iyong tingin.
-
Suportahan ang iyong mga paa. Dapat na nakalapat ang mga ito sa sahig o sa isang patungan ng paa. Dapat pantay ang iyong mga tuhod sa iyong mga balakang.
-
I-adjust ang taas ng upuan kung kailangan. Umupo para pantay ang iyong mga bisig sa ibabaw ng pinagtatrabahuhan.
Nakatutulong ang tamang tindig
Kapag nakapantay ang iyong likod, mas malamang na mananatiling ligtas ito sa buong araw.
-
Pagtayo sa puwesto. Ilagay ang isang paa sa isang bangkito o mababang kahon upang bawasan ang diin sa ibabang bahagi ng iyong likod. Madalas na pagpalitin ang mga paa. Kung kaya mo, i-adjust ang taas ng ibabaw ng iyong pinagtatrabahuhan upang hindi mangalay ang iyong leeg at mga balikat.
-
Pagmamaneho. Umupo nang sapat ang lapit sa manibela upang mapanatiling bahagyang nakabaluktot ang iyong mga tuhod. Para sa kaginhawahan, dapat na pantay ang iyong mga tuhod sa iyong mga balakang o mas mababa nang kaunti lamang. Umupo nang tuwid hangga't maaari. Dapat lubos na suportado ang kurba ng ibabang bahagi ng iyong likod.
-
Paglalakad. Tumayo nang matipuno at maglakad nang nakataas ang iyong ulo. Hayaan mong umindayog ang iyong mga braso habang naglalakad ka. Tumutulong ito na marelaks ang mga kalamnan. Magsuot ng mga sapatos na kasya at sinusuportahan ang iyong mga paa. Kung tatayo o uupo ka nang matagal, huwag magsuot ng may matataas na takong.
-
Pag-upo at pagtulog. Maingat na piliin ang iyong muwebles. Siguraduhing hindi ito nagdudulot o dinaragdagan ang pananakit ng iyong likod. Dapat magbigay ng maginhawa at tamang postura ng pag-upo ang mga upuan. Gumamit ng mga unan para sa dagdag na suporta kung kailangan. Dapat suportahan ng higaan ang mga natural na kurba ng iyong likod nang hindi nagiging sobrang matigas o malambot.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.