Paninigarilyo at Peripheral Arterial Disease (PAD)
Ang paninigarilyo ay ang pinakamalaking nag-iisang panganib sa kalusugan ng iyong mga arterya. Inilalagay ka nito sa mas mataas na panganib para sa peripheral arterial disease (PAD). Ang PAD ay isang sakit ng mga arterya sa mga binti. Kung mayroon kang PAD, malamang na ang ibang bahagi ng iyong katawan ay maysakit din. Inilalagay ka nito sa mataas na panganib para sa atake sa puso o stroke.
Paano humahantong sa PAD ang paninigarilyo?
Nagdudulot ang paninigarilyo ng pamamaga at pamumula (inflammation) na humahantong sa pamumuo ng plaque. Ang plaque ay isang materyal na waxy na binubuo ng kolesterol at iba pang particle. Maaari itong mabuo sa mga dingding ng iyong arterya. Kapag napakaraming plaque, ang iyong mga arterya ay maaaring maging makitid at makahadlang sa daloy ng dugo. Pinatataas nito ang iyong panganib para sa PAD at mga pamumuo ng dugo. Pinalulubha din nito ang iba pang dahilan ng panganib, tulad ng mataas na presyon ng dugo at mataas na kolesterol. Ito ang mga bagay na ginagawa kang mas malamang na magkaroon ka ng sakit sa arterya.
Ano ang mangyayari kung hindi ka huminto sa paninigarilyo?
-
Mayroon kang 2 hanggang 4 na beses ng panganib na mamatay mula sa atake sa puso o stroke kumpara sa isang hindi naninigarilyo.
-
Mas malaki ang panganib mong magkaroon ng malubhang PAD, pananakit ng iyong mga binti kapag naglalakad (claudication), patay na tisyu ng katawan dahil sa kakulangan ng daloy ng dugo (gangrene), o pagkakaroon ng naputol na binti o paa.
-
Ikaw ay nasa mas malaking panganib para sa abdominal aortic aneurysm (AAA). Ito ay isang umbok sa aorta, isang pangunahing artery. Maaari itong biglang pumutok at nakamamatay.
Ano ang mangyayari kung huminto ka sa paninigarilyo?
-
Bumababa ang iyong panganib para sa atake sa puso at stroke sa sandaling huminto ka sa paninigarilyo.
-
Pagkatapos ng 1 taon ng hindi paninigarilyo, bababa ang iyong panganib para sa atake sa puso ng kalahati.
-
Sa loob ng 5 hanggang 15 taon pagkatapos mong huminto, ang iyong panganib para sa atake sa puso o stroke ay kapareho ng isang taong hindi kailanman nanigarilyo.
-
Nababawasan ang iyong panganib para sa pagkaputol at iba pang komplikasyon ng PAD.
-
Nababawasan ang iyong panganib na magkaroon ng AAA.
Online Medical Reviewer:
Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer:
Deepak Sudheendra MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed:
7/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.