Ginagamit ang ilang gamot para sa COPD sa pamamagitan ng mga inhaler. Naghahatid ang mga inhaler ng mga sukat na dosis ng gamot sa iyong mga baga. Hindi pare-pareho ang paggana ng lahat ng inhaler. Hingin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan na ipakita sa iyo kung paano gamitin ang iyong inhaler.
Naghahatid ang metered-dose inhaler ng sinukat na dami ng gamot sa iyong mga baga. Dapat na malanghap nang malalim sa iyong mga baga ang gamot para gumana ito. May spacer ang iyong inhaler. Isa itong tubo sa pagitan ng inhaler at ng iyong bibig. Dinaragdagan ng spacer ang dami ng gamot na napupunta sa iyong mga baga.
Narito kung paano gumamit ng isang inhaler na may spacer.
-
Una, hugasan ang iyong mga kamay. Gumamit ng sabon at malinis, dumadaloy na tubig. Pagkatapos, tingnan ang petsa ng pag-expire at ang counter na nasa inhaler. Siguraduhing may mga dosis pang natitira sa inhaler. Tingnan din kung nailagay nang tama ang metal na canister sa plastic na boot.
-
Alisin ang takip mula sa inhaler. Alugin ang inhaler nang ilang beses.
-
Kung ito ang unang beses na gagamit ka ng inhaler, kailangan mong i-prime ito. Nangangahulugan iyong na pagsiguradong handa itong gamitin. Sundin ang mga tagubilin ng tagapagmanupaktura. I-prime ang inhaler sa hangin palayo sa iyong mukha. Handa nang gamitin ang inhaler.
-
Susunod, alisin ang takip at tumingin sa mouthpiece ng spacer upang masiguradong walang nasa loob nito (ang spacer).
-
Ikabit ang spacer sa inhaler. Alisin ang takip mula sa mouthpiece ng spacer.
-
Lubos na tanggalin ang laman ng iyong mga baga sa pamamagitan ng paghinga nang malalim, bahagyang pagtagilid ng iyong ulo palikod, at pag-ihip ng hangin palabas.
-
Ilagay ang mouthpiece ng spacer sa iyong bibig, lampas sa iyong mga ngipin at sa ibabaw ng iyong dila. Siguraduhing hindi natatakpan ng iyong dila ang bukasan ng mouthpiece ng spacer. Mahigpit na isara ang iyong mga labi upang makagawa ng isang masikip na selyo.
-
Kung gumagamit ka ng isang spacer na may mask, siguraduhing natatakpan ng mask ang iyong ilong at bibig. Dapat na walang agwat sa pagitan ng iyong balat at mask.
-
Siguraduhing nakatayo ka o nakaupo nang tuwid sa isang upuan. Laging panatilihing pantay ang iyong baba.
-
Pindutin ang canister nang 1 beses upang lumabas ang gamot. Pagkatapos, huminga nang mabagal at malalim hanggang mawala na ang lahat ng gamot sa spacer, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Kung may nakakabit na pito sa iyong spacer, nangangahulugan ang pagdinig sa pito na humihinga ka paloob nang masyadong mabilis.
-
Alisin ang mouthpiece ng spacer mula sa iyong bibig at isara ang iyong mga labi.
-
Pigilan mo ang iyong hininga nang hanggang 10 segundo, kung kaya mo. Pagkatapos, huminga palabas sa pamamagitan ng iyong bibig.
-
Ulitin ang mga hakbang na ito sa kada puff ng gamot. Maghintay nang hindi bababa sa 15 segundo hanggang 1 minuto bago kunin ang kasunod na puff, o hanggang sa itinagubilin.
-
Kung gumagamit ka ng isang steroid na inhaler, hugasan ang iyong bibig at magmumog ng tubig. Ito ay para maiwasan ang thrush, isang impeksiyon sa fungus (yeast). Idura ang tubig. Huwag lunukin ang tubig. Kung ginamit ang isang mask, hugasan ang iyong mukha, lalo na ang palibot ng iyong bibig at ilong, gamit ang maligamgam na tubig upang maiwasan ang pantal sa balat.
-
Linisin ang iyong inhaler at spacer pagkatapos ng bawat paggamit o nang hindi bababa sa isang beses kada linggo o ayon sa itinagubilin ng gumawa ng device.
Naghahatid ang metered-dose inhaler ng sinukat na dami ng gamot sa iyong mga baga. Dapat na malanghap nang malalim sa iyong mga baga ang gamot para gumana ito.
-
Una, hugasan ang iyong mga kamay. Pagkatapos, tingnan ang petsa ng pag-expire at ang counter na nasa inhaler. Siguraduhing may mga dosis pang natitira sa inhaler. Tingnan din kung nailagay nang tama ang metal na canister sa plastic na boot.
-
Alisin ang takip mula sa mouthpiece ng inhaler. Alugin ang inhaler nang ilang beses.
-
Kung ito ang unang beses na gagamit ka ng inhaler, kailangan mong i-prime ito. Nangangahulugan iyong na pagsiguradong handa itong gamitin. Sundin ang mga tagubilin ng gumawa. I-prime ang inhaler sa hangin palayo sa iyong mukha.
-
Handa nang gamitin ang inhaler.
-
Sasabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung gagamit ba ng paraan na nakasara ang bibig o nakabuka ang bibig.
-
Lubos na tanggalin ang laman ng iyong mga baga sa pamamagitan ng paghinga nang malalim at bahagyang pagtagilid ng iyong ulo palikod, at pag-ihip ng hangin palabas.
-
Para sa paraan na nakasara ang bibig, ilagay ang mouthpiece ng inhaler sa iyong bibig, lampas ng iyong ngipin at sa ibabaw ng iyong dila. Mahigpit na isara ang iyong mga labi sa palibot ng mouthpiece upang makagawa ng isang masikip na selyo para hindi ma-spray ang gamot sa iyong mga mata.
-
O, para sa paraan na nakabuka ang bibig, hawakan ang inhaler sa tapat ng iyong bibig, na 2 daliring lapad ang layo ng mouthpiece mula sa iyong mga labi.
-
Siguraduhing nakatayo ka o nakaupo nang tuwid sa isang upuan. Laging panatilihing nakapantay ang iyong inhaler sa baba.
-
Pindutin ang canister nang 1 beses upang lumabas ang gamot. Kasabay nito, huminga paloob nang malalim at mabagal nang 3 hanggang 5 segundo.
-
Tanggalin ang mouthpiece mula sa iyong bibig kung ginagamit mo ang paraan na nakasara ang bibig. O, ilayo ito sa iyong bibig kung ginagamit mo ang paraan na nakabuka ang bibig. Pagkatapos, isara ang iyong mga labi.
-
Pigilan mo ang iyong hininga nang hanggang 10 segundo, kung kaya mo. Pagkatapos, huminga palabas sa pamamagitan ng iyong bibig.
-
Ulitin ang mga hakbang na ito sa kada puff ng gamot. Maghintay nang hindi bababa ng 15 segundo hanggang 1 minuto bago kunin ang kasunod na puff, o hangga't itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.
-
Kung gumagamit ka ng isang steroid na inhaler, hugasan ang iyong bibig at magmumog ng tubig upang maiwasan ang thrush, isang impeksiyon sa fungus (yeast). Idura ang tubig. Huwag lunukin ang tubig. Linisin ang iyong inhaler pagkatapos ng bawat paggamit o nang hindi bababa sa isang beses kada linggo. O linisin ito ayon sa itinagubilin ng gumawa ng device.
Gumagamit ang ilang inhaler ng maliliit na butil ng pulbos upang maghatid ng gamot. Hindi kailangan ng mga ito ng mga spacer. Kadalasang may mga counter ang mga ito na sumusubaybay kung ilang dosis ang ginamit mo. Hindi lahat gumagana sa parehong paraan ang mga dry-powder na inhaler, tulad ng diskus o twist. Siguraduhing alam mo kung paano gamitin nang tama ang sa iyo.
-
Una, hugasan ang iyong mga kamay at tingnan ang petsa ng pag-expire.
-
Alisin ang takip at pantay na hawakan ang diskus na DPI, parang isang flying saucer. (Kung gumagamit ka ng isang twist na dry-poder inhaler (DPI), alisin ang takip at hawakan nang nakatayo ang DPI, parang isang rocket.)
-
Kargahan ang DPI at i-prime ang DPI kung kailangan.
-
Huwag alugin ang DPI.
-
Tumayo nang tuwid o umupo nang tuwid sa isang upuan.
-
Huminga nang malalim paloob. Dapat na bahagyang nakatagilid ang iyong ulo palikod. Ibuga nang husto ang hangin palabas upang matanggal ang laman ng iyong mga baga. Huwag bumuga sa DPI.
-
Ilagay ang mouthpiece ng diskus na DPI o ang twist na DPI sa iyong bibig. Isara ang iyong mga labi sa palibot nito upang gumawa ng isang masikip na selyo.
-
Gumawa ng isang mabilis, malalim, at puwersadong paghinga sa pamamagitan ng iyong bibig.
-
Pigilan mo ang iyong hininga nang hanggang 10 segundo, kung kaya mo.
-
Alisin ang DPI sa iyong bibig at huminga palabas nang mabagal. Lumingon palayo mula sa DPI.
-
Hugasan ang iyong bibig at magmumog ng maligamgam na tubig kung humihithit ng isang steroid na gamot. Idura ang tubig mula sa iyong bibig upang maiwasan ang isang impeksion ng bibig sa fungus (yeast) na tinatawag na thrush.