Paggaling Pagkatapos ng Pagbibigay ng Pampamanhid sa Pamamaraan (Adulto)
Binigyan ka ng gamot sa ugat upang patulugin ka sa panahon ng iyong pamamaraan. Maaaring isinama rito ang parehong gamot sa pananakit at gamot na pampatulog. Maaaring magkaroon ka ng mga side effect, gaya ng pagduduwal, pagkapagod, o kawalan ng katatagan hanggang sa loob ng 24 na oras. Maaari ka ring makaramdam ng pagkahilo.
Pangangalaga sa tahanan
Sundin ang mga tagubilin na ito kapag nakauwi ka na sa bahay:
-
Para sa susunod na 8 o higit pang oras, hilingin sa isang pinagkakatiwalaang nasa hustong gulang na bantayan ka. Dapat siguraduhin ng taong ito na hindi lumulubha ang iyong kondisyon, binabantayan ang mga problema, at pinananatili kang ligtas.
-
Huwag uminom ng anumang alak sa susunod na 24 oras.
-
Huwag magmaneho, magpatakbo ng mapanganib na makina, o gumawa ng mahahalagang desisyon sa negosyo o personal sa susunod na 24 na oras.
-
Dagdagan ang pag-iingat kapag naglalakad at gumagalaw, maaaring higit na nanganganib kang mahulog.
-
Sundin ang anumang tagubilin na ibinigay sa iyo para sa pagkain at pag-inom.
-
Siguraduhing sundin ang lahat ng mga tagubilin pagkatapos ng pangangalaga.
Tandaan: Maaaring sabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na huwag uminom ng anumang gamot para sa pananakit o matulog sa susunod na 4 na oras. Maaaring may reaksyon ang mga gamot na ito sa mga gamot na ibinigay sa iyo sa ospital. Maaari itong magdulot ng mas malakas na tugon kaysa karaniwan.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ayon sa ipinayo.
Kailan hihingi ng medikal na payo
Magpatawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o humingi kaagad ng medikal na pangangalaga kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Pagkaantok na lumalala
-
Panghihina o pagkahilo na lumalala
-
Paulit-ulit na pagsusuka
-
Bulol ang iyong pananalita, at hindi ka maintindihan ng ibang tao.
-
Malubha o nagpapatuloy na pananakit mula sa pamamaraan na hindi nababawasan ng gamot para sa pananakit (kung inireseta)
-
Lagnat
-
Bagong pantal
Tumawag sa 911
Magpatawag sa 911 kung magkaroon ka ng alinman sa mga sintomas na ito:
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Rita Sather RN
Online Medical Reviewer:
Sravani Chintapalli
Date Last Reviewed:
4/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.