Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ano Ang Ischemic Stroke?

Kailangan ng utak ang tuloy-tuloy na supply ng dugo upang gumana. Sa panahon ng stroke, tumitigil ang pagdaloy ng dugo sa bahagi ng utak. Nasira ang apektadong bahagi. Napinsala o nawala ang mga paggana nito. Karamihan sa mga stroke ay sanhi ng pagkabara ng daluyan ng dugo na nagsu-supply sa utak. Isa itong ischemic stroke. Maaari ding mangyari ang mga ito kung pumutok ang isang daluyan ng dugo sa utak (hemorrhagic stroke).

Harapang kuha ang ulo at itaas na katawan na ipinakikita ang mga carotid artery (ang pangunahing mga ugat ng dugo sa leeg) at utak.
Ang mga carotid ay malalaking arterya na nagdadala ng dugo mula sa puso papunta sa utak.

Mula sa puso papunta sa utak

Ang puso ay isang bomba. Nagpapadala ito ng dugong mayaman sa oxygen sa pamamagitan ng malalaking daluyan ng dugo na tinatawag na mga arterya. Kung barado ang arterya sa pagitan ng puso at utak, hindi nakakakuha ng sapat na oxygen ang utak. Sanhi ng matatabang deposito (plaque) ang ilang pagkabara ng arterya. Maaari ding mabarahan ang mga arterya ng mga namuong dugo. Nagkakaroon ng ilang pamumuo ng dugo sa plaque. Maaaring mabuo ang iba sa puso—lalo na sa mga taong may atrial fibrillation, hindi regular na ritmo ng puso. Kung kumalas ang isang piraso ng plaque o ang namuong dugo at pumasok sa daloy ng dugo, maaari nitong maharangan ang pagdaloy sa utak at magdulot ng stroke.

Paano nangyayari ang stroke

Nangyayari ang ischemic stroke kapag lubos na naging makitid o nabarahan ang arterya na nagsu-supply sa utak. Maaaring magdulot ito ng pagkaipon ng plaque. Maaari din itong mangyari kapag humiwalay ang maliliit na piraso ng plaque o namuong dugo (tinatawag na emboli) mula sa daluyan ng dugo o sa puso patungo sa daloy ng dugo. Dadaloy ang emboli sa dugo hanggang sa magbara ang mga ito sa isang maliliit na daluyan ng dugo sa utak.

Malulusog na arterya. Sa isang malusog na arterya, makinis ang lining ng pinakadingding ng arterya. Hinahayaan nitong dumaloy nang malaya ang dugo mula sa puso patungo sa iba pang bahagi ng katawan. Kinukuha ng utak ang lahat ng dugo na kailangan nito upang gumana nang maayos.

Mga napinsalang arterya. Maaaring pagaspangin ang mga dingding ng arterya ng mataas na presyon ng dugo, paninigarilyo, mataas na kolesterol, o iba pang problema. Hinahayaan nitong maipon ang plaque sa mga dingding. Maaari ding magkaroon ng pamumuo ng dugo sa plaque. Maaari nitong gawing makitid ang arterya at limitahan ang daloy ng dugo. 

Cross section ng malusog na carotid artery na ipinakikita ang pagdaloy ng dugo.
Malulusog na arterya.
Cross section ng carotid artery na ipinakikita ang pamumuo ng plaque at blood clot (pamumuo ng dugo).
Napinsalang mga arterya.

Alamin ang mga sintomas ng stroke

  • Panghihina. Maaari kang makaramdam ng biglaang panghihina, pangingilabot, o kawalan ng pakiramdam sa isang bahagi ng iyong mukha o katawan kabilang na ang iyong braso o binti.

  • Mga problema sa paningin. Maaaring bigla kang makaranas ng pagkaduling o hirap na makakita ang isa o dalawang mata.

  • Hirap sa pagsasalita. Maaaring bigla kang mahirapan sa pagsasalita, mabulol, o magkaroon ng problemang maunawaan ang iba.

  • Mga problema sa paggalaw. Maaari kang mahirapan sa paglalakad, pagkahilo, pakiramdam na umiikot, kawalan ng balanse, pakiramdam na nahuhulog, o mahimatay.

Tandaan: Kung mayroon ka ng alinman sa mga sintomas na ito, tumawag sa 911 at sa iyong doktor sa lalong madaling panahon.

F.A.S.T. ay isang madaling paraan para matandaan ang mga palatandaan ng stroke. Kapag nakita mo ang mga palatandaan, malalaman mo kung ano ang kailangan mo upang tumawag sa 911 nang mabilis. 

Ang ibig sabihin ng F.A.S.T. ay: 

  • F ay para sa face drooping (lumalaylay ang mukha). Lumalaylay o namamanhid ang isang bahagi ng mukha. Kapag ngumiti ang isang tao, hindi pantay ang ngiti.

  • A ay para sa arm weakness (panghihina ng braso). Mahina o namamanhid ang isang kamay. Kapag sabay na itataas ng isang tao ang parehong braso, naiiwan ang isa niyang braso.

  • S ay para sa speech difficulty (nahihirapang magsalita). Mapapansin mong nabubulol ang pagsasalita o nahihirapang magsalita. Hindi kayang ulitin nang tama ng tao ang isang simpleng pangungusap kapag hiniling sa kanya na gawin iyon.

  • T ay para sa time to dial (oras na para tumawag sa) 911. Kung may sinuman na kakikitaan ng ganitong mga sintomas, kahit pa nawala din ang mga iyon, tumawag kaagad sa 911. Itala ang oras kung kailan unang nakita ang mga sintomas.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by
Disclaimer