Ang Pagkilala sa isang Atake sa Puso o Angina
Kung ikaw ay may mga dahilan upang manganib na magkaroon ng sakit sa puso, ikaw dapat ay laging mapagmatyaga para sa mga senyales ng angina o isang atake sa puso. Kung ikaw ay may biglaang problema sa puso, ang pagkuha ng agarang lunas ang maaaring magligtas ng iyong buhay.
Kabilang sa mga dahilan ng panganib para sa atake sa puso ang:
-
Pagiging mas matanda
-
Mataas na kolesterol
-
Mataas na presyon ng dugo
-
Pagkakaroon ng malapit na miyembro ng pamilya gaya ng isang kapatid na lalaki, kapatid na babae, o magulang na nagkaroon ng atake sa puso bago ang edad na 50
-
Diabetes
-
Paninigarilyo
-
Pagiging sobra ang timbang
-
Paninigarilyo o paggamit ng mga pampasigla (stimulant) gaya ng cocaine o amphetamine
-
Sobrang stress
May iba pang mga salik na panganib, kabilang ang pagkain ng matatabang pagkain at hindi nakakapag-ehersisyon.
Pag-unawa sa angina at atake sa puso
-
Ang angina ay isang hindi maginhawang pakiramdam na tila sinusunog, paninikip, o presyun sa dibdib, likod, leeg, lalamunan, o panga. Maaari itong maging napakasakit. Ibig sabihin, hindi sapat ang dugo na nakakarating sa puso. Kadalasan nang dahil sa baradong artery sa may puso. Ang angina ay senyales na ikaw ay maaaring mayroon, o magkakaroon pa lamang ng isang atake sa puso. Kailangan mong tumawag sa 911 kaagad.
-
Ang atake sa puso, kilala din bilang acute myocardial infarction (AMI). Ito ang nangyayari kapag hindi makapasok ang dugo at oxygen sa bahagi ng kalaman ng puso. Ang bahagi ng kalamnan ng puso ay sira na at nagsisimula nang mamatay. Kung malaking bahagi ng puso ang apektado, hindi ito makatitibok nang tama. Lubha nitong malilimitahan ang kakayahan nitong magpadala ng dugo sa utak at sa natitirang bahagi ng katawan. Maaari itong ikamatay. Napakahalagang humingi ng tulong sa lalong madaling panahon para sa isang atake sa puso.
Stable angina kumpara sa unstable angina
Ang stable angina ay kilala rin bilang chronic angina. Ito ay may tipikal na pattern. Ito ay nangyayari kapag may ginawa ka na nahirapan ang iyong katawan o matinding emosyon. Madaling maiibsan ang matatag na mga sintomas ng angina sa pamamagitan ng nitroglycerin, pahinga, o ng pareho. Ang mga sintomas ng angina ay malamang na maging pareho ang pakiramdam sa bawat pagkakataon na ikaw ay magkaroon nito. Mahalagang talakayin ang mga sintomas na ito sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring ang mga ito ay babalang sinyales ng atake sa puso sa hinaharap.
Ang unstable angina ay nagiging sanhi ng di-inaasahan o hind maunawaang mga sintomas, karaniwan nang kapag ikaw ay nagpapahinga. Unstable angina ay isang medikal na emergency. Ang angina ay itinuturing din na unstable kung hindi naiibsan ng pahinga at nitroglycerin. Sinasabi ring unstable kapag ang mga sintomas ay mas lumalala, nangyayari nang mas madalas, at mas tumatagal. Ang mga sintomas na ito ay nagpapahiwatig ng malubhang pagbara o pangangawit sa isang ugat ng puso. Ang unstable angina ay karaniwang senyales ng isang aktibong atake sa puso. Tandaan ang mga sumusunod na payo:
-
Ang mga sintomas ng stable angina ay dapat na mawawala kapag nagpahinga o uminom ng gamot. Kung hindi mawala ang mga ito, tumawag sa 911 !
-
Ang mga sintomas ng stable angina ay tumatagal lamang ng ilang minuto. Kung ang mga ito ay mas tumagal sa ilang minuto, o mawala at muling bumalik, ikaw ay maaaring nagkakaroon ng atake sa puso. Tumawag sa 911 !
-
Kung mayroon kang pangangapos ng hininga, pinagpapawisan ng malamig, masakit ang tiyan (naduduwal), o nahihilo, tumawag sa 911 !
Para sa angina na lumalabas sa unang pagkakataon, mayroon lamang 1 tugon: Tumawag sa 911 ! Hindi mo kailanman dapat i-diagnose ang iyong sarili. Kung bago ang mga sintomas na ito, o malala kaysa karaniwan, tumawag sa 911 !
Mga babalang sinyales ng atake sa puso

Kung mayroon kang mga sintomas na hindi mo maipaliwanag, tumawag sa 911 kaagad. Huwag mong ipagmaneho ang iyong sarili papunta sa emergency room (ER). Ito ang mga babalang senyales ng isang posibleng atake sa puso:
-
Kawalang-ginhawa sa dibdib. Karamihan sa mga atake sa puso ay may kawalan ng ginhawa sa gitnang bahagi ng dibdib na tumatagal nang higit sa ilang minuto, o nawawala at bumabalik. Maaaring pakiramdam na tulad ng hindi komportable presyon, pinipiga, puno, o masakit.
-
Hindi komportableng pakiramdam sa ibang bahagi ng itaas na katawan. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang pananakit o kawalang-ginhawa sa 1 o parehong bisig, sa likod, leeg, panga, o tiyan.
-
Kakapusan sa hininga na mayroon o walang pananakit ng dibdib
-
Ang iba pang mga senyales ay kinabibilangan ng pagpapawis ng malamig, pagduduwal o kawalan ng balanse.
Kung sa palagay mo ay inaatake sa puso ang isang tao, tumawag sa 911 sa halip na ipagmaneho ang taong iyon papunta sa ER. Pagkatapos mong tumawag sa 911 , sasabihan ka kung anong gagawin mo. Ang 911 na dispatcher ay maaaring sabihin sa iyo na bigyan ang taong ito ng aspirin habang naghihintay na dumating ang tulong. Kung hindi sasabihin ng dispatsador na gawin mo iyon, huwag siyang bigyan ng aspirin. Maaaring maging mapanganib ang aspirin sa ilang kaso.
-
Paalala sa kababaihan. Katulad ng kalalakihan, madalas na nagkakaroon ang kababaihan ng pananakit ng dibdib o hindi maginhawang pakiramdam bilang sintomas ng atake sa puso. Ngunit ang mga kababaihan ay tila mas malamang na magkaroon ng hindi gaano karaniwang mga sintomas kaysa sa mga lalaki. Kasama rito ang kakapusan sa hininga, hindi normal na pagkapagod, pagkahilo, impatso, pagduduwal at pagsusuka, pananakit ng likod, o pananakit ng panga.
-
Paalala para sa mas matandang mga adulto. Ang mas matatanda ay malamang din na magkaroon ng mga karaniwang sintomas ng atake sa puso. Maaari din silang magkaroon ng sintomas na tulad ng pagkawala ng malay, panghihina, o pagkatuliro. Ang pagbalewala sa ganitong mga sintomas ay maaaring umakay sa kritikal na karamdaman o pagkamatay. Dapat na kaagad na masuri ang mga sintomas na nararanasan mo.
-
Kung nagkaroon ka na dati ng atake sa puso Ang isang taong minsan nang inatake sa puso ay nanganganib na magkaroon muli ng isa pa. Maaaring magreseta ang iyong tagapangalaga ng gamot tulad ng nitroglycerin na iinumin kapag nag-uumpisa ang pananakit ng dibdib. O malamang kailanganin mo ang mga gamot upang pababain ang iyong pintig ng puso at presyon ng dugo. Ito ay para mapigilan ang angina at isa pang atake sa puso. Tandaan na uminom ng mga gamot na ibinigay ng iyong tagapangalaga. Huwag mong ihinto ang pag-inom sa mga ito nang hindi muna nakikipag-usap sa iyong tagapangalaga.
Kung ikaw ay may diabetes: Mga tahimik na problema sa puso
Sa paglipas ng panahon, ang mataas na asukal sa dugo ay maaaring makapinsala sa mga nerbiyo ng iyong katawan. Maaari ka nitong pigilan na makaramdam ng sakit na dulot ng problema sa puso, na humahantong sa isang “tahimik” na problema sa puso. Kung hindi ka nakakaramdam ng mga sintomas, mas kaunti ang pagkakataon mong malaman na maaaring nagkakaroon ka na ng atake sa puso at kaagad na magpagamot. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung papaano kontrolin ang antas ng iyong asukal sa dugo at pababan ang iyong panganib ng pagkakaroon ng tahimik na mga problema sa puso.