Pag-unawa sa Postpartum Depression
Kapapanganak mo pa lang ng sanggol. Inasahan mong maging masabik at masaya. Sa halip, natagpuan mo ang sarili mong umiiyak nang walang dahilan. Maaaring nahihirapan kang kayanin ang iyong mga pang-araw-araw na gawain. Nakakaramdam ka ng lungkot, pagod, at walang pag-asa kadalasan. Maaari ka ring makaramdam ng pagkahiya o may kasalanan. Ngunit hindi mo kasalanan kung ano ang pinagdaraanan mo at bubuti din ang pakiramdam mo. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalasugan. Makakatulong ang mga ito.

Ano ang depresyon?
Isang mood disorder ang depresyon na nakakaapekto sa kung paano ka nag-iisip at nakakaramdam. Pinakakaraniwang sintomas ang pakiramdam ng matinding kalungkutan. Maaari ka ring makaramdam na para bang hindi mo makakaya ang buhay. Kasama sa iba pang sintomas ang:
-
Pagtaas o pagbaba ng timbang
-
Labis matulog o masyadong maikling matulog
-
Palaging nakararamdam ng pagkapagod
-
Nakararamdam ng pagkabalisa
-
Labis na pag-iyak
-
Pagkakaroon ng kakaunti o labis na gana sa pagkain
-
Paglayo mula sa mga kaibigan at pamilya
-
Pagkakaron ng mga pananakit ng ulo, mga kirot at pananakit, o mga problema sa sikmura na hindi nawawala
-
Nakakaramdam ng galit o poot
-
Mga pagkatakot na masaktan ang iyong sanggol
-
Kakulangan ng interes sa iyong saggol
-
Nakararamdam ng kawalan ng halaga o nakokonsensiya
-
Hindi na nasisiyahan sa mga bagay na nakasanayan mo
-
Nahihirapang magkapag-isip nang malinaw o makapagdesisyon
-
Nag-iisip tungkol sa kamatayan o pagpapakamatay
Depresyon pagkatapos manganak
Maaaring naiiyak at napapagod ka pagkatapos manganak. Normal lang ang mga pakiramdam na ito. Kung minsan, tinatawag itong baby blues. Nawawala ang mga kalungkutang ito pagkatapos ng 1 hanggang 2 linggo. Ngunit ang postpartum (ibig sabihin, pagkatapos manganak) depression ay mas tumatagal at mas matindi kaysa baby blues. Ginagawa ka nitong malungkot at nawawalan ng pag-asa. Maaari ka ring matakot na masasaktan ang iyong sanggol at nag-aalala tungkol sa pagiging masamang ina.
Maaari ding magkaroon ng postpartum depression ang iyong asawa. Maaari itong lumitaw sa loob ng isang taon pagkatapos isilang ang iyong anak. Ang mga sintomas ay katulad din sa ina ng sangol.
Ano ang nagiging sanhi ng postpartum depression?
Hindi alam ang eksaktong sanhi ng postpartum depression. Pinaniniwalaan na may malaking tungkulin sa depresyon ang mga pagbabago sa chemistry o istraktura ng utak. Maaaring dahil ito sa mga pagbabago sa iyong mga hormone sa panahon at pagkatapos manganak. Maaari ka ring mapagod sa pangangalaga ng iyong sanggol at pag-adjust sa pagiging ina. Maaaring magparamdam sa iyo ng depresyon ang lahat ng kadahilanang ito. Sa ilang kaso, maaaring may tungkulin din ang iyong mga gene.
Magagamot ang depresyon
Maraming paraan para gamutin ang postpartum depression. Pakikipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang unang hakbang tungo sa pagbuti ng pakiramdam.
Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan
Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung ikaw ay:
-
Umiiyak nang walang malinaw na dahilan
-
Nahihirapang makatulog, kumain, at gumawa ng mga desisyon
-
Pagtatanong kung kaya mong pangalagaan ang isang sanggol
-
Pagkakaroon ng matinding pakiramdam ng pagkalungkot, pagkabalisa, o kawalan ng pag-asa na pumipigil sa iyo na gawin ang iyong mga pang-araw-araw na gawain
Upang malaman ang higit pa
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.