Mga Pinsala sa Gulugod
Ang gulugod ay isang mahabang bundle ng mga nerve fiber at nerve cell. Nagmumula ito sa puno ng bungo hanggang sa ibaba ng baywang. Pinoprotektahan ito ng mga buto ng iyong gulugod. Nagdadala ng mga mensahe ang gulugod sa pagitan ng utak at sa iba pang bahagi ng katawan. Dahil doon, napakalubha ng isang pinsala sa gulugod. Maaari itong magdulot ng pagkawala ng pakiramdam sa ibaba ng napinsalang bahagi (pamamanhid). Maaari itong magdulot ng kawalang-kakayahan na gumalaw (paralysis). Maaaring makatulong ang emergency na paggamot upang maiwasan ang permanenteng pinsala. O maaari nitong bawasan ang tindi ng pinsala.

Babala
Huwag galawin ang isang taong may pinsala sa gulugod maliban kung dapat mo itong gawin upang iligtas ang kanyang buhay. Tumawag sa 911 at maghintay ng tulong.
Ano-ano ang sanhi ng mga pinsala sa gulugod
Ang mga aksidente sa sasakyan, pagkahulog, mga pinsala dahil sa sports, at mga tama ng baril ay nagdudulot ng karamihang pinsala sa gulugod. Maaari ding mapinsala ang gulugod dahil sa electrical shock. Maaaring mangyari sa sinuman ang mga pinsala sa gulugod.
Kailan dapat pumunta sa emergency room (ER)
Isang medikal na emergency ang pinsala sa gulugod. Para sa sinumang may posibleng pinsala sa likod o leeg, tumawag kaagad sa 911. Huwag subukang galawin ang tao. Maaaring magdulot ng karagdagang pinsala ang paggawa nito.
Kapag dumating ang mga paramedic
Ilalagay ng mga technician na pang-emergency ang napinsalang tao sa isang matigas na board. Isusuot nila ang isang matigas na neck brace sa kanyang leeg. Magtatanong sila ng mga karaniwang tanong, kabilang ang tungkol sa kasaysayan ng kalusugan. Susuriin nila ang kanyang katawan. Maaaring kailangan nilang lagyan ng IV (intravenous catheter) ang braso o kamay ng tao. Ito ay upang magbigay ng mga gamot o likido. Mahalagang sabihin sa kanila ang lahat ng iniinom na gamot ng napinsalang tao.
Ano ang dapat asahan sa ER
Kikilos nang mabilis ang mga tagapangalaga ng kalusugan at nars na nangangalaga para sa iyong mahal sa buhay. Maaari kang makatulong sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa pinsala. Samantala, susuriin ang iyong mahal sa buhay at titingnan ang kanyang paghinga, tibok ng puso, at presyon ng dugo. Maaaring magbigay ng oxygen sa pamamagitan ng facemask. Maaaring ilagay ang isang endotracheal tube sa lalamunan upang tulungan ang paghinga. Maaaring ibigay ang mga gamot gaya ng mga steroid upang mabawasan ang laki ng pamamaga at pinsala. Maaaring gawin ang 1 o higit pang pagsusuri para matulungang malaman ang sanhi ng pinsala:
-
Mga X-ray ng Gulugod. Maaari itong makatulong na ipakita ang bali o pinsala sa mga buto ng gulugod.
-
CT scan. Ito ay isang detalyadong serye ng mga X-ray. Ipinakikita nito ang lokasyon at lawak ng pinsala.
-
MRI. Gumagamit ito ng malalakas na magnet at radio wafe upang gumawa ng malinaw na naka-computer na mga larawan ng gulugod. Maipakikita nito ang lumuslos na mga disk at iba pang problema.
-
Ultrasound o direktang pag-eksamin. Isinasagawa ito upang maghanap ng namamagang pantog. Dulot ito ng ihi na hindi mailabas dahil sa napinsalang gulugod. Kung namamaga ang pantog, maaaring gamitin ang isang urinary catheter upang tanggalan ng laman ang pantog.
Online Medical Reviewer:
Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer:
Joseph Campellone MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed:
11/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.