Pagkaalog ng utak
Isang uri ng pinsala sa utak ang pagkaalog ng utak. Maaaring sanhi ito ng isang direktang pagkabangga o dagok sa ulo, leeg, mukha, o katawan. Dahil sa puwersa ng dagok, mabilis na naaalog nang pabalik-balik ang ulo at utak. Sa ilang kaso, maaari kang mawalan ng malay. Depende sa kalubhaan ng dagok, maaaring umabot ng ilang oras hanggang ilang araw upang mapabuti ang lagay. Minsan ang mga sintomas ay maaaring tumagal ng ilang buwan o higit pa. Ito ay tinatawag na post-concussion syndrome.

Sa una, ikaw ay maaaring magkaroon ng pananakit ng ulo, pagduduwal, pagsusuka o pagkahilo. Maaari ding magkaproblema sa pagiisip ng malalim o pagalaala sa mga bagay. Ito ang mga karaniwang sintomas pagkatapos ng pagkaalog utak.
Ang mga sintomas ay dapat bumuti habang nagdaraan ang mga oras at araw. Maaaring senyales nang mas malubhang pinsala sa utak ang mga lumalalang sintomas. Ito ay maaaring pagpapasa o pagdurugo sa utak. Kaya mahalaga na bantayan ang mga senyales ng panganib na nakalista sa ibaba.
Mas nasa panganib ang mga batang nag-aaral para sa mga sintomas na hindi nawawala pagkatapos ng pagkaalog ng utak. Dapat silang bantayan nang mabuti.
Pangangalaga sa tahanan
Kung banayad ang iyong pinsala at walang malubhang senyales o sintomas, maaaring magpayo ang iyong tagapangalaga ng kalusugan na bantayan ka sa bahay. Kung may katunayan na mas malubha ang pinsala, babantayan ka sa ospital. Sundin ang mga payong ito upang matulungan ka na pangalagaan ang iyong sarili sa tahanan:
-
Matapos maalog ang utak, maaaring magpayo ang iyong tagapangalaga ng kalusugan na bantayan ka ng isang miyembro ng pamilya o kaibigan sa loob ng 12 hanggang 24 na oras. Papakiusapan sila na gisingin ka kada ilang oras ng pagtulog upang suriin ang mga senyales sa ibaba.
-
Kung ang iyong mukha o anit ay namamaga, lagyan ng ice pack sa loob ng 20 minuto kada 1 hanggang 2 oras. Gawin ito hanggang mabawasan ang pamamaga. Upang makagawa ng ice pack, maglagay ng mga piraso ng yelo sa isang plastic bag na naisasara sa ibabaw nito. Ibalot ang bag sa isang malinis at manipis na tuwalya o tela. Huwag kailanman ilagay ang yelo o ang isang pakete ng yelo nang direkta sa balat.
-
Maaari kang gumamit ng acetaminophen upang makontrol ang pananakit, maliban na lamang kung may ibang gamot na inireseta para sa pananakit. Huwag gumamit ng aspirin o ibuprofen matapos ang pagkapinsala sa ulo. Kung may pangmatagalan kang sakit sa atay o bato, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito. Makipag-usap din sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung nagkaroon ka ng ulser sa sikmura o pagdurugo sa tiyan.
-
Sa susunod na 24 oras:
-
Huwag uminom ng alak o gumamit ng mga pampakalma o mga gamot na nakakaantok.
-
Huwag magmaneho o gumamit ng mga makinarya.
-
Huwag gumawa ng anumang nakakapagod na gawain. Huwag magbuhat o pwersahin ang sarili.
-
Huwag bumalik kaagad sa sports o sa anumang aktibidad kung saan matatamaan ang iyong ulo. Hintaying mawala lahat ng sintomas at pinayagan ka na ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring humantong sa malubhang pinsala sa utak ang pagkakaroon ng pangalawang pinsala sa ulo bago ka tuluyang gumaling.
-
Pagkatapos ng ilang araw, OK lang na bumalik sa iyong normal na pang-araw-araw na mga aktibidad. Ngunit huwag gumawa ng anumang bagay na maaaring magsanhi na matamaan ulit ang iyong ulo.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan sa loob ng 1 linggo, o ayon sa ipinayo.
Susuriin ng isang radiologist ang anumang mga X-ray o CT scan na kinuha. Sasabihan ka kung may anumang bagong natagpuan sa iyong resulta na makakaapekto sa iyong pangangalaga.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Pananakit ng ulo o pagkahilo na hindi nawawala
-
Pamumula, mainit na pakiramdam o nana mula sa namamagang dako
Tumawag sa 911
Tumawag kaagad sa 911 o kumuha ng medikal na pangangalaga kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Paulit-ulit na pagsuka (karaniwan ang pagsuka nang minsan matapos ang isang pinsala sa ulo)
-
Pananakit ng ulo o matinding pagkahilo na mas lumulubha
-
Pagkawala ng malay
-
Hindi pangkaraniwang pagkahilo o hindi magising tulad ng dati
-
Panghihina o nabawasang kakayahan na maglakad o igalaw ang mga biyas
-
Pagkalito, pagkabalisa o pagbabago sa ugali o pagsasalita, o pagkawala ng memorya
-
Malabong paningin
-
Kombulsyon (seizure)
-
Lumulubhang pamamaga sa anit o mukha
-
Pagbabago sa laki ng balintataw (ang itim na bahagi ng mata)
-
Likido o pagdurugo na lumalabas mula sa ilong o tainga