Pagkontrol ng Lagnat (Bata)
Ang lagnat ay natural na reaksyon ng katawan sa sakit. Ang temperatura ng iyong anak ay kadalasanb hindi mapanganib. Sa katunayan, tumutulong ang lagnat na malabanan ang mga impeksyon. Ang lagnat ay karaniwang hindi ginagamot maliban na lamang kung ang iyong anak na karaniwang malusog ay hindi komportable at mukhang may sakit. O kung ang iyong anak ay may pangmatagalang kondisyong pangkalusugan o nagkaroon sa nakaraan ng kombulsyon habang may lagnat.
Pangangalaga sa Tahanan
Kung ang iyong anak na karaniwang malusog ay mainit, suriin ang kaniyang temperatura:
-
Mga bagong panganak hanggang 5 buwang gulang, suriin ang temperatura sa puwitan (rektal) o sa noo (temporal)
-
6 na buwan hanggang 3 taon, suriin ang temperatura sa puwitan, noo o tainga
-
4 na taon pataas, suriin ang temperatura sa noo, tainga o bibig
Tandaan: Ang temperaturang sinuri sa puwitan (rektal) ang pinakamainam para sa mga sanggol na hanggang 2 buwang gulang. Huwag gumamit ng ibang bagay tulad ng strip na gawa sa plastic o termometro na pacifier. Ang mga resulta nito ay hindi gaanong tama. Kung hindi mo alam paano gumamit ng termometro, tanungin sa nars ng iyong anak o sa isang parmasyotiko.
Panatilihing nakadamit ng manipis ang iyong anak. Ito ay upang tulungan siyang mailabas ang sobrang init sa katawan. Ang lagnat ay tataas kung ang iyong anak ay nakadamit ng makapal o nakabalot sa kumot.
Ang lagnat ay nakapagdudulot ng pagkawala ng tubig sa katawan. Para sa mga sanggol na wala pang 1 taong gulang, ipagpatuloy ang pagbibigay ng regular na formula o pagpapasuso. Sa pagitan ng pagpapakain, magbigay ng oral rehydration solution. Maaari mo itong makuha sa mga pamilihan o botika ng walang reseta. Para sa mga batang 1 taon pataas, magbigay ng madaming likido. Kabilang sa mga mainam na likido ay tubig, katas ng prutas, tubig na may gelatin, soft drinks na walang kapeina, katas ng luya, mga inuming gawa sa prutas at mga pinayelong katas ng prutas.
Mga gamot sa lagnat
Bantayan ang pagkilos at pakiramdam ng iyong anak. Hindi mo kailangang magbigay ng gamot para sa lagnat kung ang iyong anak ay aktibo, alerto, kumakain at umiinom. Maaaring kailanganin mong bigyan ng gamot para sa lagnat ang iyong anak kung siya ay may pangmatagalang kondisyong pangkalusugan o nagkaroon ng kombulsyon dahil sa lagnat sa nakaraan. Makipagusap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung kailan dapat lunasan ang kaniyang lagnat.
Maaari mong bigyan ng acetaminophen o ibuprofen ang iyong anak kung:
-
Nagiging labis na matamlay
-
Mukha o kumikilos na parang may sakit
-
Hindi natutulog, umiinom o kumakain ng karaniwan
-
May temperatura na100.4°F (38°C) o higit pa
Gamitin ang dosis na inirekumenda ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak o ang dosis na nakalista sa etiketa ng bote ng gamot para sa edad at timbang ng iyong anak.
Tandaan: Kung ang iyong anak ay may pangmatagalang sakit sa atay o bato, o may ulser o pagdurugo sa tiyan, makipagusap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito.
Kung hindi kaya ng iyong anak na uminom ng gamot, tanungin ang iyong parmasyotiko para sa supositoryong acetaminophen. Maaari mo itong makuha kahit walang reseta.
Base sa medikal na kondisyon ng iyong anak, tanungin ang tagapangalaga ng kaniyang kalusugan kung dapat mo ba siyang gisingin upang bigyan ng gamot. Ang tulog ay mahalaga upang mapabuti ang iyong anak.
Sundin ang mga payong ito kapag nagbibigay ng gamot para sa lagnat sa isang bata na karaniwang malusog:
-
Huwag magbigay ng ibuprofen sa mga batang wala pang 6 na buwan.
-
Basahin ang etiketa bago magbigay ng gamot para sa lagnat. Ito ay upang makasiguro na nabibigay mo ang tamang dosis. Dapat tama ang dosis para sa edad at timbang ng iyong anak.
-
Kung umiinom pa ng ibang gamot ang iyong anak, suriin ang listahan ng mga sangkap. Hanapin ang acetaminophen o ibuprofen. Kung gayon, sabihin sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak bago ibigay ang gamot. This is to prevent a possible overdose. Ito ay upang maiwasan ang posibleng pagbigay ng labis na dosis.
-
Kung ang iyong anak ay wala pang 2 taong gulang, makipagusap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak bago magbigay ng anumang gamot upang malaman ang gamot na angkop gamitin at gaano karami ang ibibigay.
-
Huwag magbigay ng aspirin sa isang bata na wala pang 18 taong gulang na may lagnat. Ang aspirin ay maaaring magdulot ng malubhang epekto katulad ng pinsala sa atay at Reye sindrom. Bagama't bihira, ang Reye sindrom ay isang malubhang sakit na makikita sa mga batang wala pang 15 taong gulang. Ang sindrom na ito ay may malapit na kaugnayan sa paggamit ng aspirin o mga gamot na naglalaman ng aspirin tuwing may impeksyong dulot ng mikrobyo.
-
Huwag magbigay ng ibuprofen kung ang iyong anak ay sumsusuka at kulang sa likido.
Kapag ang lagnat ay nakontrol, ipagpatuloy ang pagbibigay ng alinman sa acetaminophen o ibuprofen. Ibigay kung aling gamot ang mas mabisa. Kung hindi mapababa ng alinmang gamot ang lagnat, makipagugnayan sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyongn anak.
Follow-up na pangangalaga
Bumalik sa tagapangalaga ng kalusugan ng oyong anak kung siya ay hindi bumubuti.
Kailan dapat humingi ng medikal napagpapayo
Para sa isang sanggol o bata na karaniwang malusog, tawagan kaagad ang tagapangalaga ng kaniyang kalusugan kung anuman sa mga ito ang mangyari:
-
Ang iyong anak ay 3 buwang gulang o mas nakababata at may lagnat na 100.4°F (38°C) pataas. Maaaring kailanganin ng iyong anak na magpatingin sa tagapangalaga ng kalusugan.
-
Ang iyong anak ay may paulit-ulit na lagnat na mas mataas sa 104°F (40°C), anumang edad.
-
Pananakit na lumalala. Ang isang bagong panganak ay maaaring magpakita ng pananakit sa pamamagitan ng pagiyak na hindi mapahinahon.
-
Naninigas o masakit ang leeg, masakit ang ulo o paulit-ulit na pagtatae o pagsusuka.
-
Ang iyong anak ay sobrang maselan o nahihilo na hindi pangkaraniwan.
-
Hirap na magpokus o ituon ang pansin sa iyo
-
Pantal o kulay lilang batik sa balat.
-
Mga senyales ng kakulangan sa likido sa katawan, katulad ng hindi nababasang lampin sa loob ng 8 oras, walang luha kapag umiiyak, lubog na mga mata o tuyot na bibig.
Para sa sanggol o nata na karaniwang malusog, tawagan din ang tagapangalaga ng bata kung:
-
Ang iyong anak ay 3 hanggang 6 na buwang gulang at may lagnat na102°F (38.8°C).
-
Ang iyong anak ay 6 na buwan hanggang 2 taong gulang at ang kaniyang lagnat ay hindi bumuti sa loob ng 24 oras.
-
Ang iyong anak ay 2 taong gulang pataas at ang kaniyang lagnat ay hindi bumuti matapos ang 3 araw.
Kailan dapat tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung alinman sa mga iyo ang mangyari. Ang iyong anak ay may: