CPR at Automated External Defibrillators (Sanggol hanggang sa edad na 1)
Ginagamit ang CPR (cardiopulmonary resuscitation) kapag hindi humihinga ang sanggol. Ginagamit din ito kapag kinakapos ng hininga ang sanggol o huminto sa pagtibok ang kanyang puso. Nagsisimula ang CPR sa pagdiin sa dibdib. Sinusundan ito ng rescue breathing. Ginagawa sa mga siklo ang mga pagdiin sa dibdib at rescue breathing. Ginagawa ng CPR ang trabaho ng puso at mga baga.
Kumuha ng klase ng CPR sa sanggol para matutunan kung paano tumugon sa isang emergency. Ituturo sa iyo ng klase ang tamang paraan ng paggawa ng CPR. Maaari kang kumuha ng klase online o sa personal sa pamamagitan ng American Heart Association o ng American Red Cross.
Ibinibigay sa iyo ng impormasyon sa ibaba ang mga pangunahing kaalaman sa CPR sa sanggol. Hindi nito nilalayon na palitan ang pagsasanay sa CPR.
Pagsisimula
Mas malamang na magkaroon ng atake sa puso ang mga sanggol at mga bata dahil sa problema sa baga o daanan ng hangin sa halip na problema sa puso, gaya ng sa mga adulto. Dahil dito, dapat palaging gawin sa mga sanggol at mga bata ang rescue breathing, kasama ang mga pagdiin sa dibdib, kung maaari.
Ang automated electronic defibrillator (AED) ay isang kagamitang medikal na sinusuri ang ritmo ng puso ng isang taong nag-collapse o walang malay. Kung kinakailangan, naghahatid ang AED ng electric shock para muling tumibok ang puso. Kadalasang matatagpuan ang mga AED sa mga pampublikong lugar. Maaari mong matagpuan ang mga AED sa mga daycare center, paaralan, opisina, paliparan, at shopping mall.
Paano gawin ang CPR at gamitin ang AED
Tiyakin ang ligtas ang lugar bago mo simulan ang mga hakbang na ito.
Hakbang 1. Tingnan kung kayang tumugon ng iyong sanggol
-
Sumigaw para makuha ang atensyon ng sanggol, gamit ang pangalan ng sanggol. Kung hindi tumutugon ang sanggol, tapikina ang ilalim ng paa ng sanggol at sumigaw ulit.
-
Kung tumutugon ang sangol, manatili sa tabi niya. Tumawag sa 911 . Panatilihing kumportable at naiinitan ang iyong sanggol hanggang dumating ang mga emergency rescuer.
Kung hindi tumutugon ang iyong sanggol, hindi humihinga, o kinakapos ng hininga, gawin ang sumusunod:
-
Kung may kasama kang ibang tao, patawagin siya sa 911 kaagad. Dapat din nilang subukang humanap ng isang AED. Pansamantala, simulan ang mga pagdiin sa dibdib at rescue breathing (mga hakbang 2 at 3) kaagad.
-
Kung nag-iisa ka, at hindi nakitang mag-collapse ang bata, simulan muna ang mga pagdiin sa dibdib at rescue breathing (mga hakbang 2 at 3). Magpatuloy sa loob ng 2 minuto. Pagkatapos, tumawag sa 911 at tingnan kung may kaagad na magagamit na AED.
-
Kung walang magagamit na AED, ipagpatuloy ang mga pagdiin sa dibdib at rescue breathing.
-
Kung may magagamit na AED, gamitin ito, at sundin ang mga tagubilin sa pagpapatuloy ng mga pagdiin sa dibdib at rescue breathing.
-
Kung dumating ang isa pang katulong, magpatulong sa kanya na tumawag sa 911 at/o kumuha ng AED, kung hindi pa nagagawa.
-
Kung nag-iisa ka at nakitang nag-collapse ang bata, tumawag sa 911 kaagad at gumamit ng AED kung may agarang magagamit. (Tingnan ang Hakbang 4 at sa ibaba.) Sundin ang mga tagubilin ng AED para gawin ang mga pagdiin sa dibdib at rescue breathing. Kung walang magagamit na AED, simulan kaagad ang mga pagdiin sa dibdib at rescue breathing pagkatapos tumawag sa 911 .
-
Kung dumating ang isa pang katulong, magpatulong sa kanya na tumawag sa 911 at kumuha ng AED, kung hindi pa nagagawa.
Hakbang 2. Simulan ang mga pagdiin sa dibdib
 |
| Mga pagpiga sa dibdib. |
-
Itihaya ang iyong sanggol sa isang patag na lugar.
-
Tumayo o lumuhod sa gilid ng sanggol, na ang iyong mga balakang ay bahagyang nakaanggulo.
-
Mga paraan para sa mga pagpiga sa dibdib ng isang sanggol:
-
Ilagay ang 2 daliri sa buto ng dibdib ng sanggol sa ilalim lang ng imaginary line na nasa pagitan ng mga utong. Gamitin ang iyong 2 daliri para diinan ang dibdib ng sanggol. Diinan sa hindi bababa sa 1/3 ang lalim ng dibdib ng sanggol. Humigit-kumulang ito sa 1-1/2 pulgada ang lalim. Mas pinipili ang paraang ito para sa 1-taong CPR.
-
Gamitin ang parehong hinlalaki para gawin ang mga pagdiin. Gawin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong mga hinlalaki nang magkatabi sa gitna ng dibdib ng sanggol sa ibaba lang ng linya ng utong. Palilibutan ng iyong mga daliri ang dibdib ng sanggol para nakasuporta ang mga ito sa likod ng sanggol. Diinan sa hindi bababa sa 1/3 ang lalim ng dibdib ng sanggol. Humigit-kumulang ito sa 1-1/2 pulgada ang lalim. Mas pinipili ang paraang ito para sa 2-taong CPR.
-
Tandaan: Kung hindi mo maabot ang lalim na 1 ½ pulgada gamit ang mga paraan ng pagdiin na nasa itaas, isaalang-alang ang paggamit ng paraan na isang-kamay. Para gawin ito, ilagay ang pinakasakong ng isang palad sa gitna ng dibdib ng sanggol. Itulak pababa sa lalim na 1-1/2 pulgada.
-
Hayaang bumalik sa posisyon ang dibdib ng sanggol pagkatapos ng bawat pagdiin. Binibigyan nito ng oras na mag-refill ng dugo ang puso.
-
Kung nag-iisa ka, gawin ang 30 pagdiin. Kung mayroon kang kasamang isa pang tao na makakapagbigay ng mga rescue breath, gawin ang 15 pagdiin. Diinang mabuti at mabilis. Dapat mong ginagawa ang mga ito sa bilis na hindi bababa sa 100 hanggang 120 pagdiin kada minuto.
-
Kung nagsanay ka ng CPR at maaaring gawin ang mga rescue breath, ngayon ang oras para gawin ang mga ito (tingnan ang hakbang 3).
-
Kung hindi mo alam kung paano magbigay ng mga rescue breath, patuloy na gawin ang mga pagdiin hanggang magpakita ang sanggol ng mga kapansin-pansing paggalaw na palatandaan ng buhay, handa na ang AED (tingnan ang hakbang 4), papalit ang mga emergency rescuer, o hindi mo nagawang magpatuloy dahil sa kaligtasan o pagkapagod.
Hakbang 3. Simulan ang rescue breathing
 |
| Mga pansagip na paghinga. |
-
Ilagay ang 1 kamay sa noo ng sanggol. Gamit ng isa pang kamay, ilagay ang 2 daliri sa ilalim ng baba ng iyong sanggol at dahan-dahang ikiling ang ulo paitaas. Huwag masyadong ikiling ang ulo palikod.
-
Kung hindi kaagad magsimulang huminga ang sanggol, ilagay ang iyong bibig sa bukas na bibig at ilong ng sanggol. Bigyan ng isang marahang rescue breath, nagtatagal ng 1 segundo (sa iyong isip, magbilang ng “isang one-thousand”).
-
Tingnan kung umaangat ang dibdib ng iyong sanggol:
-
Kung umangat ang dibdib, dumaloy ang hangin sa mga baga. Hayaang huminga nang palabas ang iyong sanggol.
-
Kung hindi umaangat ang dibdib ng sanggol, hindi pa dumadaloy ang hangin sa mga baga ng sanggol. Maaaring barado ang daanan ng hangin. Ikiling muli ang ulo ng sanggol. Tingnan kung may ibang bagay sa bibig ng sanggol. Kung nakakakita ka ng bagay, gamitin ang iyong hinliliit para alisin ito. Huwag kailanman gawin ang blind sweep sa bibig kung wala kang nakikitang bagay. Maaari pa nitong itulak ang bagay pababa sa daanan ng hangin.
-
Magbigay ng 1 pang rescue breath.
-
Kung hindi pa rin umaangat ang dibdib ng sanggol, simulan muli ang pagdiin sa dibdib.
-
Kung nag-iisa ka, ipagpatuloy ang siklo ng 30 pagdiin at 2 rescue breath. Tingnan ang mga palatandaan ng buhay bawat 2 minuto.
-
Kung nagsasagawa ka ng 2-taong CPR, ipagpatuloy ang siklo ng 15 pagdiin at 2 rescue breath. Tingnan ang mga palatandaan ng buhay bawat 2 minuto. Magpalit ng mga tungkulin mula sa mga pagdiinin patungong rescue breathing bawat 2 minuto para makatulong na maiwasan ang pagkapagod.
-
Ipagpatuloy ang CPR hanggang makakita ng kapansin-pansing mga palatandaan ng buhay, dumatin ang AED o tulong, o hindi ka makapagpatuloy dahil sa kaligtasan o pagkapagod.
Hakbang 4. Paggamit ng AED
-
Siguraduhin na nasa tuyong lugar ka. Kung hindi, dalhin ang sanggol sa tuyong lugar na may patag na ibabaw.
-
Alisin ang damit ng sanggol mula sa kanyang itaas ng katawan. Kung kinakailangan, tuyuin ang dibdib ng sanggol.
-
I-on ang AED. Makinig at sundin ang mga tagubilin:
-
Ilagay ang mga pad sa dibdib ng sanggol. Sundin ang mga larawan sa mga tagubilin na kasama ng AED. Gamitin ang maliliit na pad para sa mga sanggol. Kung wala ang mga ito, gamitn ang mga pad para sa adulto. Kapag ginagamit ang mga pad para sa adulto, siguraduhin na hindi didikit ang mga pad sa bawat isa. Kung tila didikit ang mga pad, ilagay ang 1 pad sa gitna ng dibdib ng sanggol. Ilagay ang isa pang pad sa gitna ng itaas na likod ng sanggol. Maaaring kailanganin mo munang tuyuin ang likod ng sanggol.
-
Sundin ang mga tagubilin ng AED na huwag hawakan ang sanggol kapag sinusuri ang ritmo ng puso ng sanggol.
-
Maghahatid ng shock ang AED kung kinakailangan. Sasabihin sa iyo ng ilang AED na pindutin ang button para maghatid ng shock.
-
Huwag hawakan ang sanggol habang naghahatid ng shock ang AED.
-
Simulan muli ang mga pagdiin sa dibdib at rescue breathing (mga hakbang 2 at 3). Huwag alisin ang mga chest pad kahit magising ang sanggol. Hindi maaaring muling gamitin ang mga pad kapag naalis na ang ito. Panatilihing nakalagay ang mga ito kung sakaling mangyari ang isa pang emergency. Magpapatuloy ang AED na suriin ang ritmo ng puso ng sanggol.
-
Kung tumutugon ang sangol at magsimulang huminga, manatili sa tabi niya. Panatilihing kumportable at naiinitan ang iyong sanggol hanggang dumating ang tulong.
-
Kung hindi tumugon ang sanggol, ipagpatuloy ang CPR na may mga tagubilin mula sa AED hanggang dumating ang tulong.
© 2000-2026 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.