Heart Palpitations
Tumutukoy ang mga palpitation sa pakiramdam na ang iyong puso ay mabilis o iregular ang pagtibok. Inilalarawan ito ng ibang tao na "bumabayo" o "lumalaktaw na mga tibok". Maaaring mangyari ang mga palpitation sa mga taong may sakit sa puso, ngunit pwede ring mangyari sa mga malusog na tao.

Mga kaugnay-sa-pusong sanhi:
Mga hindi-kaugnay-sa-pusong sanhi:
-
Ilang mga gamot (gaya ng mga inhaler para sa hika at pang-alis ng bara ng ilong)
-
Ilang mga supplement na herbal, energy drinks at pills, at mga pampabawas ng timbang na pills
-
Iligal na mga drogang pang-stimulant (gaya ng cocaine, crank, methamphetamine, PCP)
-
Caffeine, alkohol at tabako
-
Mga kalagayang medical gaya ng sakit sa thyroid, anemia, pagkabalisa at panic disorder
Kung minsan ay hindi matagpuan ang dahilan.
PANGANGALAGA SA BAHAY:
-
Iwasan ang labis na caffeine, alkohol, tabako at anumang mga drogang stimulant.
-
Sabihin sa iyong doktor ang tungkol sa anumang ipinayo o over-the-counter na mga herbal na gamot na ginagamit mo.
MAG-FOLLOW UP sa iyong doktor o gaya ng ipinag-uutos ng aming staff.
MAKAKUHA NG MABILIS NA ATENSYONG MEDIKAL kung mangyari ang alinman sa sumusunod na may mga palpitation:
-
Panghihina, pagkahilo, pakiramdam na gumaan ang ulo o pagkahimatay
-
Pananakit ng dibdib o kakapusan ng hininga
-
Mabilis na tibok ng puso (mahigit 120 tibok bawat minuto, nang nakapahinga)
-
Mga palpitation na tumatatagal ng 20 minuto
-
Panghihina ng isang braso o binti o isang bahagi ng mukha
-
Nahihirapan sa pagsasalita o paningin
Online Medical Reviewer:
Anne Clayton APRN
Online Medical Reviewer:
Stacey Wojcik MBA BSN RN
Online Medical Reviewer:
Steven Kang MD
Date Last Reviewed:
1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.